Kung babaguhin mo ang kulay ng mga dahon (as in leaves haha), anong kulay ang ipapalit mo? Bakit?
they're fine already. pero, may puno nga bang color blue or violet ang dahon? i wanna see one of each though. pede siguro, isang plant ang babaguhin ko into blue, and another to violet. at gusto ko, endemic sa pinas. hodiba? :)
ianne ended @ 6:52:00 PM
Sunday, September 19, 2010
So how was your birthday, Arianne? :D
it was... fine. great. good mama szam. :D :)
ianne ended @ 1:32:00 PM
Monday, September 6, 2010
Manic Monday.
1. THE BAD BEGINNING
Pinababa ako ng drayber sa jeep na sinasakyan ko papuntang school. Sta. Ana-P. Faura na jeep. Masarap pa naman ang idlip ko kasi alam kong 5-10minutes pa yung oras na natitira bago ako bumababa. Malapit na lang naman daw ang bababaan ko, when in fact hindi masyado. Nung kausap ako ni manong, nung pinapababa niya ako, may sumakay na lalaki. Taga-UP din. Eh ayun, dahil nga pinapababa ako, bumababa na rin siya. Sumakay siya ng ibang jeep. Pinili ko namang maglakad na lang, kahit medyo tirik na ang araw. Nakasimangot ako habang naglalakad and I was saying things to the air. May isa pa atang lalaking nakauniform na studyante na nakapansin na bad trip ako. Hindi ko naman pinili na maglakad na lang dahil sa nangunguripot ako ng sarili ko no. Sayang lang talaga yung Php6.00 na ibabayad ko, eh dun sa 10pesos na binayad ko dun sa bwisit na manong nay un, lugi na ko.
Ay nako. Makarma ka sana manong! Hindi mo pa binalik ang bayad ko, or sana man lang nagbigay ka sa akin ng 6pesos. Ikaw naman ang pumili ng rutang yan ee. Tsaka hindi ka pa ba nasasanay sa traffic na araw-araw mong pinakikisamahan? Naman. Muntik pa kong malate. Pero buti nalang… (basahin ang #4 para malaman.)
2. FICH FIRST SUBJECT.
Speech. FILIPINO. shit. Mali pala. TALUMPATI. FILIPINO. SHIT. Wala pa kong topic up to this time of night. Ang epal lang naman. Wala namang sinabing may ganung ipapasa within this week. Naman. Wag namang pabigla bigla diba? And you wonder bakit kami nagccram. Tapos, yung speech pa na ito ay hindi naman kami masyadong binigyan ng background. Naman. And super random lang nung hinihingi niyang topic. Anything under the sun. Mahirap yun. Isa pa, aabsent absent kang prof ka! Tapos bigla kang magpapaganyan. Sasabay ka pa sa dapat pag-aralan para bukas. Ang subject mo naman talaga, could get as demanding as it wants to be. Minsan, feeling major. Three units ka lang naman!
Ay nako, prof. Tumino ka naman. I mean, okay sana kasi medyo matino kang magturo, kahit na minsan ay nakakaantok. Tigil ang kakaabsent, lalo na pag unannounced. First class pa naman kita tuwing MONDAY at Thursday. Alam mo yung saya pag malalaman mo na ma-eextend pa ang tulog mo?
3. BV BIO!
May biolec quiz pa bukas. di pa ko nagaaral. Isa ka pang bio ka. Ang hirap mong magpaquiz forever! Oo na. Sige na. Ikaw na nga ang DOKTOR! Ikaw na ang may PhD sa pangalan. Parang hindi ka naging studyante dati aa. Pareho kayo ni prof sa #2.
4. WHAT RUINED IT ALL.
Pumasok pa ko ngayon, wala naman yung mga prof. Nagworry pa kong baka malate ako sa first class ko, wala naman si prof sa #2. Wala din ung prof ko sa susunod na class ko. Ung last class naman, tinuring ko nang wala siya. Wala kasi siyang kwentang magturo. Hindi ko maintindihan. What the hell is wrong with the world? Tae talaga. Ung “buti na lang…” sa taas, sa #1, dapat hindi buti na lang yun ee. Kasi, nakaka-badtrip knowing na wala ka naman palang klase, madali ka ng madali.
5. ---
Ayaw kong sabihin tong last reason. Tao talaga ito ee.
Pag mga ganito ang bungad ng Mondays ko, alam ko na na bad week ito.
Pero wag sana. Kasi, may something sa firday. :”> Sana mabawi. :D
ianne ended @ 10:33:00 PM